from noncollective of diypinoyhcpunk.com
-----------------------------------------------------
Mainit na Pagbati!
Para sa mga hindi nakakakilala, si Gutson Heyres o Pong/Ponx ay kinikilalang artist sa
komunidad ng mga Punks; siya rin kabilang sa maka – otonomiyang kilusan na nagsisikahay
palawakin at isabuhay ang relasyong nakabatay sa pantay na turingan ng mga tao at
makakalikasang pamamaraan ng pamumuhay.
Sa kasamaang palad, si Pong ngayon ay nakaratay sa higaan dahil sa kakulangan sa Potassium
na labis na nagpahina sa kanyang katawan. At dahil sa kakulangan nang pera ay di sya
magawang maipagamot.
Sa kalagayan po ni Pong, walang sinuman ang hindi makukumbinsi na seryoso ang kanyang
kalagayan sapagkat, siya po ay literal na buto’t balat na. Siya ay hindi makalakad at kaht
sa pagsasalita tila hirap na rin siya.
Kami po ay dumudulog sa inyo at nagnanais makiamot ng tulong na taos – puso ninyong
maibabahagi. Katulad rin po natin ang kalagayan ng pamilya ni Pong kung saan limitado ang
kakayahan upang sustentuhan ang lumalalang kundisyon ng ating kasama.
Ang pagbabahagi po ng mga sumusunod ay malaking tulong upang isalba sa tiyak na kapahamakan ang ang isa sa masugid nagpapalaganap ng pagkakapantay – pantay at makakalikasang pananaw at pamumuhay:
* Pagkain (lalo na ang bigas, prutas at gulay,)
* Supplement at mga bitamina lalo na ang potassium dahil ayon sa general practitioner na
pinagdalhan sa kanya ay may pagkukulang siya sa nabanggit na elemento
* Ang pinansya ay malaking tulong upang madala siya sa ispesyalista at mai-confine kung
kinakailangan
* Kung may mga babasahin at dokumento kayong pwede nyang mabasa habang
nagpapalakas ay napakalaking tulong din
* Ang pagdalaw kay Pong isang epektibong suporta na nagpapataas ng kanyang moral
(makipag – ugnayan lang po sa NonCollective para sa detalye)
Maraming salamat
Sumasainyo,
Non – Collective
***sa mga nais makipagugnayan, maaaring magtext sa sumusunod na celphone number:
smart: 09098471502
globe: 09159336034
o kaya paki-pm na lang. maraming salamat!!
Pong's drawings and artworks FINDOT
Sunday, August 30, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment